Clean Up Drive 2.0

Clean Up Drive 2.0

Bukod po sa pagbabago ng mga display sa tindahan dahil sa nakaraang #ValentinesDay ay naging abala rin po ang mga Kapwa na makasama sa Clean up Drive at sa pagpunta sa mga paaralan para makapag-alok ng workshop. Nakasama po kami sa paglilinis sa Barangay Poblacion. Nang aming makausap ang mga nanay sa paglilinis ay natutuwa sila na sumasama raw po pala ang mga taga-Pandayan sa mga ganoong klase ng community activity. Nasabi nila na ang Pandayan pa lang daw po ang kompanya na kanilang nakakasama sa paglilinis sa komunidad. Kung kaya po ay natutuwa sila na may mga ganitong klaseng kompanya na pakikibahagi para makatulong sa ating komunidad.